Ang mga nangungupahan na may mababang kita na nahaharap sa pagpapaalis sa Estado ng Washington ay maaaring makakuha ng libreng legal na tulong. Kung ang iyong kaso sa pagpapaalis ay hahantong sa korte at ikaw ay may mababang kita, may karapatan ka sa isang libreng abogado.
Mayroon ka ring legal na karapatan sa isang tagapagsalin sa iyong wika.
Ang mga karapatang ito ay makatutulong na ipantay ang pagkakataon sa korte para sa parehong mga landlord at mga nangungupahan. Sa buong bansa, ang mga nangungupahan ay hindi gaanong kinakatawan habang ang mga landlord ay halos laging kinakatawan ng isang abogado sa korte.
Kumuha ng libreng legal na tulong. Karapatan mo ito – protektado ng batas. Hindi mo kailangang harapin ang iyong landlord mag-isa.
Paano Magsimula
Punan ang online na form sa Ingles o Espanyol o tumawag sa linya ng Pagtatanggol sa Pagpapaalis sa 1-855-657-8387 para sa suporta sa iba pang wika. Mayroong mga tagasalin sa lahat ng mga wika.
Ikaw ay hihilingin na magbigay ng:
- Impormasyon sa pakikipag-ugnayan, kasama ang iyong pangalan, address, numero ng telepono, at email address
- Impormasyon sa kita at bilang ng mga tao sa iyong sambahayan
- Personal na impormayson, kasama ang iyong petsa ng kapanganakan, lahi at etnisidad, at kasarian
Kung ikaw ay kwalipikado, may tatawag sa iyo sa telepono upang ikonekta ka sa isang abogado mula sa Northwest Justice Project o iba pang tagapagbigay ng legal na serbisyo na maaaring nasa iyong lugar.
Kumuha ng Tulong sa Pagbabayad ng Upa
Halimbawa, kung ikaw ay nahuli sa bayad sa upa, dapat mag-alok ang iyong landlord ng plano sa pagbabayad at maaaring ikaw ay kwalipikado para sa tulong sa bayad sa upa.
Layunin ng tulong sa upa na tulungan ang lahat, anupaman ang pagkamamamayan o katayuan sa imigrasyon. Ang pag-apply para sa tulong sa bayad sa upa ay hindi ipapahamak ang anumang aplikasyon sa imigrasyon na iyong isinumite. Bumisita sa 211 Washington na ito, at ipaalam sa iyong komunidad ang tungkol sa Legal na Tulong para sa mga Nangungupahan.
Kumuha ng karagdagang impormasyon
Umunta sa Washington Law Help upang humanap ng libreng legal na impormasyon, interactive na legal na mga form, mga pakete sa sariling-pagtulong at mga video upang maunawaan ang mga karapatan at opsyon ng mga nangungupahan sa panahon ng proseso ng pagpapaalis.